top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Fish vendor, todas sa riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 03, 2021


NUEVA ECIJA—Patay ang fish vendor nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Sibul, Talavera.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Junie Malvar, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Paco Roman, Rizal sa lalawigang ito.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Malvar ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang pinsan niyang si Alfredo Graneta ay dinikitan sila ng isang motorsiklo na kinalululanan ng mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek, samantalang nakaligtas naman sa pamamaril si Graneta.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page