Fish vendor, tinodas ng gunman

@Balitang Probinsiya | March 15, 2021
SORSOGON—Isang fish vendor ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Patag, Irosin.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Anthony de Villa, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalako ng kanyang panindang isda si De Villa sa kanilang lugar ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments