Fish vendor timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 07, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang fish vendor na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa bayan ng Cauayan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eddie Oliverio, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments