Fish vendor na pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 26, 2023
BACOLOD CITY—Isang fish vendor na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Singcang Airport, sa lungsod na ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek habang nagtitinda ng isda.
Dahil dito, agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba kaya naaresto ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu sa pag-iingat ng suspek at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments