top of page
Search
  • BULGAR

Fire Sheep, makakaranas ng mga pagsubok sa relasyon pero madadaan sa mahinahong usapan

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | July 28, 2020


Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa bawat animal sign ngayong 2020, talakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa ngayong Year of the Metal Rat. Ang Sheep o Tupa ay tinatawag ding Goat o Kambing.

Alalahaning ang Sheep o Tupa ay nahahati sa limang uri, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Sheep o Bakal na Tupa - silang mga isinilang noong 1931 at 1991

  • Water Sheep o Tubig na Tupa - silang mga isinilang noong 1943 at 2003

  • Wood Sheep o Kahoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1955 at 2015

  • Fire Sheep o Apoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1967

  • Earth Sheep o Lupa na Tupa - silang mga isinilang noong 1979 at 1939

Sa nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Sheep, Water Sheep at Wood Sheep, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Fire Sheep o Apoy na Tupa.


Sinasabing ang taong ito ng 2020 hanggang 2021 ay pagkakataon upang magkaroon ng ibang career o dagdag na pagkakakitaan ng iba sa dati nang source of income. Ibig sabihin, may mga oportunidad na bagong pagkakaperahan ang darating sa iyong buhay na dapat namang sunggaban mo agad, upang makadagdag ng pasok ng pera sa iyong kaban-yaman.


Sa negsoyo at iba pang aspetong pangangalakal, iminumungkahing hindi ka dapat masyadong umasa sa iyong kakayahan, bagkus sa panahong ito ng pandemya, kailangan ang suporta ng pamilya at mahal mo sa buhay upang magtagumpay ang anumang bagong bubuksang negosyo, upang matiyak ang pag-unlad at tagumpay. Dahil tulad ng nasabi na, kapag sinarili mo ang diskarte sa anumang pangangalakal, may babala na malulugi ka lamang. Subalit kung katuwang mo ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay, mas matitiyak ang pag-unlad sa anumang uri ng negosyo na papasukin ngayong 2020 hanggang 2021.


Sa pag-ibig, bagama’t may manaka-nakang pagsubok na mararanasan, ito ay panandalian lang kung saan sa pag-uunawaan, mahinahong pag-uusap at pagtutulungan n’yo ng iyong kasuyo, walang bagay na hindi niya mareresolba ngayong 2020.


Sa pangkalahatan, bagama’t hindi gaanong magiging stable sa aspetong pampinansiyal, hindi naman magtatagal sa ganu’ng sitwasyon ang mga pangyayari dahil bago sumapit ang 2021, may malalaki at biglaang halaga ng salapi na darating at iyong ikatutuwa at igagalak nang labis.


Upang magamit nang maayos at mahusay ang nasabing malaking halaga ng salapi, palaging konsultahin ang mga mahal sa buhay at kapamilya upang tulad ng nasabi na, hindi ka magkamali ng paggastos o pagdedesisyon kung paano gagamitin ang malaking halaga ng salapi na darating.


Dagdag pa rito, ingatan mo ang iyong kalusugan ngayong 2020 hanggang 2021 upang ang magagandang kapalaran at suwerteng darating, hindi lang sa aspeto ng pananalapi kundi sa iba pang bahagi ng buhay ay iyong mapakinabangan nang lubos para sa ikaliligaya at ikauunlad mo at ng iyong pamilya.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page