Filmfest, gusto raw ilipat sa FDCP mula sa MMDA…
- BULGAR

- Jul 27, 2020
- 3 min read
CHAIR LIZA, UMAMING 'DI MAN LANG KINAUSAP, TSINUGI AGAD BILANG MMFF EXECOM MEMBER
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 27, 2020

Mariing pinabulaanan ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño ang usap-usapang nagla-lobby sila ng asawa niyang si Ice Seguerra sa Kongreso para mapasakamay ng FDCP ang pagpapatakbo sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
“In what way?” bungad ni Liza sa naging panayam sa kanya sa DZRH noong Biyernes (July 24).
Ayon pa kay Chair Liza, ang nila-lobby nila ngayon sa Kongreso ay ang Eddie Garcia Bill.
“'Yung Eddie Garcia Bill ay naglalayon para protektahan ang ating manggagawa, para bigyan sila ng magandang working conditions, at protektahan para sa mga workers natin.
“Kung meron kaming talagang inila-lobby sa Congress ngayon… not only lobbying, but it’s being discussed in the committee hearings right now.
“At may pangako sa atin na, by September, maipapasa itong bill na 'to at talagang mabibigyan ng karampatang proteksiyon ang ating mga manggagawa.”
Ang pagpapasa ng nasabing Eddie Garcia Bill ay nag-ugat sa pagpanaw ni Manoy Eddie noong June 20, 2019, ilang linggo matapos siyang maaksidente sa taping ng isang teleserye sa GMA Network.
Nagulat daw si Liza na muling lumabas ang letter-proposal niya sa MMDA noong 2017. Dito ay nakasaad ang mungkahing ilipat ang pamamahala ng MMFF sa FDCP.
Ayon kay Liza, hindi napag-usapan ang tungkol dito sa Malacañang at sa MMDA.
Naitanong din kay Liza kung interesado pa rin ba siyang i-handle ng FDCP ang MMFF?
Sabi niya, "It is within the mandate of FDCP to handle festivals like MMFF. Nasa FDCP ang mandato para i-handle ang mga film festivals, especially the national film festival that involves public funds. May legal mandate ang FDCP to handle film festivals.”
Pero ayaw na raw niyang palakihin pa ang usaping ito dahil gusto niyang magkausap sila ni MMDA Chairman Danny Lim.
Hindi pa man sila nagkakausap, tinanggal na si Liza bilang miyembro ng MMFF Executive Committee dahil na rin sa isyung ito.
Nakarating na kay Liza ang pagkakatanggal niya bilang member ng Execom at aniya'y naging maluwag sa kanyang dibdib ang desisyon ng chairman.
“Kung 'yun ang magiging desisyon ng MMFF, tatanggapin namin nang maluwag 'yun. Pero sa bawat desisyon na ganito, dapat may proseso tayong sinusunod.
“Siyempre, ang FDCP ay ahensiya ng gobyerno na nagre-represent ng film industry sa Executive Committee ng MMFF.
“So, kung wala tayong prosesong sinusunod at puwede nang magtanggal ng kahit sino, it gives other…how can we be assured na may due process sa ganitong bagay?” rason niya.
Patuloy ni Liza, “So, we wanna know what is the process para magkaroon ng ganitong desisyon?
“Meron bang inquiry na nangyayari? Kasi, wala kaming na-receive na sulat. Wala kaming na-receive na formal letter to hear our side. I think, kailangan 'yun. It’s not just because... hindi dahil gusto naming mag-stay o gusto naming manatili ru'n.
“Saka honestly, the MMFF Executive is an invitation. Every year, ini-invite kami. Hindi ito appointment. Iniimbita kami every year. Kumbaga, nasa FDCP kung ooo kami o hindi, and tinatanggap po namin ang imbitasyon na 'yun. Kasi naniniwala po kami na ang MMFF ay napaka-instrumental pa rin para sa kaunlaran ng Pelikulang Pilipino.”
Sa panahon ngayon, ayon kay Liza, meron pang mas mahalagang dapat pag-usapan at ayusin kesa sa isyu niya sa MMFF.
“Ang daming mas kailangang asikasuhin para sa industriya.
“The workers—from financial support, to protection at work to their mental health.
“Producers—from funding, to platforms para ipalabas ang pelikula nila.
“Cinemas—how can we gain consumer confidence para manood ulit ng pelikula?"
Dagdag pa niya, ito ang mga bagay na prayoridad at dapat unahin ngayon.





Comments