Fetus, natagpuan sa irigasyon
@Balitang Probinsiya | September 27, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang fetus ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa tubig ng irigasyon ng Bgy. Napoles, Bago City sa lalawigang ito.
Ang fetus ay natagpuan ng mga residente sa nabanggit na barangay at agad nila itong ini-report sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa mga nagrespondeng awtoridad, babae ang naturang fetus na nakalutang sa irigasyon.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang nagtapon ng fetus sa naturang lugar.
Sakaling matukoy ang suspek ay sasampahan ng pulisya ng mga kasong may kaugnayan sa abortion.



Comments