top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Fetus, natagpuan sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 11, 2023

CAMARINES SUR -- Isang fetus na nakalagay sa isang plastic bag ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa ilog na sakop ng Brgy. Balatas, Naga City sa lalawigang ito.

 

Ang fetus ay natagpuan ng mga residente sa nabanggit na barangay at agad nila itong ini-report sa himpilan ng pulisya.

 

Ayon sa mga rumespondeng otoridad, tinatayang nasa pagitan ng apat hanggang anim na buwan ang natagpuang fetus.

 

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang nagtapon ng fetus sa naturang ilog.

 

Sakaling matukoy ang suspek ay sasampahan ito ng pulisya ng mga kasong may kaugnayan sa abortion.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page