Fetus natagpuan sa ilalim ng tulay
- BULGAR
- Jan 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2023
NUEVA VIZCAYA — Isang fetus ang natagpuan kamakalawa sa ilalim ng tulay sa Bgy. Bagahabag, Solano sa lalawigang ito.
Ang fetus ay natagpuan ng mga residente sa naturang lugar.
Ayon sa mga nagrespondeng awtoridad, tinatayang nana tatlo hanggang limang buwan ang fetus.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang nagtapon sa fetus.
Sakaling matukoy ang suspek ay sasampahan ito ng mga kasong may kaugnayan sa abortion.



Comments