top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Feeling malas sa boys, makikilala si “the one” sa 2021

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 7, 2020



Dear Maestro,


Naisipan kong kumonsulta sa inyo dahil nagtataka ako sa aking sarili dahil parang malas ako sa pag-ibig. Tatlong beses na akong nagtiwala at umibig, pero tatlong beses na rin akong nabibigo. Sa ngayon, may boyfriend ako pero parang nagkakalabuan na kami mula nang mabasa ko sa kanyang cellphone na may iba pa siyang girlfriend bukod sa akin. Nang malaman kong niloloko lang niya ako, nakipaghiwalay na ako sa kanya. Magkakabalikan at compatible ba kami? October 12, 1992 ang birthday niya. Kung hindi siya ang inilaan sa akin ng kapalaran na pangmatagalan, may darating pa bang ibang lalaki sa buhay ko, at kung makapag-aasawa ako, kailan ito? March 7, 1994 ang birthday ko.

Umaasa,

Zharina ng Maguihan, Lemery, Batangas


Dear Zharina,


Tunay ngang hindi mo ka-compatible ang iyong ex na may ibang girlfriend dahil hindi naman talaga tugma ang zodiac sign mong Pisces sa zodiac sign niyang Libra.


Nangyaring hindi kayo tugma dahil ang zodiac sign mong Pisces ay pinaghaharian ng elementong tubig, habang air o hangin naman ang elementong taglay ng isang Libra. Ibig sabihin, kapag nagsama ang hangin at tubig, wala lang, dahil tulad ng naipaliwanag na, hindi naman talaga sila compatible sa isa’t isa.


Ganundin ang kinalabasang pagsusuri sa Numerology. Ang birth date mong 7 ay sadyang hindi rin suweto sa birth date na 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ng ex-boyfriend mo dahil ang tunay na katugma ng birth date mong 7 ay silang mga isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26.


Samantala, kung susuriing mabuti, hindi ka naman talaga malas sa pag-ibig. Sa halip, posibleng hindi mo pa natatagpuan ang lalaking inilaan sa iyo ng kapalaran.


Kaya upang suwertehin ka at maging maligaya sa susunod na pakikipagrelasyon, humanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio, Cancer, Virgo o kapwa mo Pisces, na may birth date na 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31. Sa piling ng nasabing lalaki, tiyak ang magaganap dahil makasusumpong ka na ng permanente at panghabambuhay na relasyon.


Nakatakdang mangyari ang nasabing pagtaya kung saan matatagpuan mo na rin ang lalaking magmamahal sa iyo ng panghabambuhay at sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran. Ayon sa iyong Love Calendar, ito ay magaganap sa 2021, sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa edad mong 27 pataas, hatid ng lalaking may kayumangging kulay ng balat na isinilang sa zodiac sign na Cancer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page