top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Feeling crush ng lalaking may asawa na, mas liligaya sa binata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 08, 2020



Dear Maestro,

Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil sa love life ko. May gusto akong lalaki ngayon at kapitbahay lang naming siya. Kaya lang, ang problema ay dalaga pa ako, pero siya ay may asawa na. Napapansin kong may gusto rin siya sa akin dahil madalas siyang tingin nang tingin. Kapag ba tingin nang tingin ang isang lalaki sa babae, tama ba ang sapantaha ko na may gusto rin siya sa akin?

December 18, 1992 ang birthday ko, at nang alamin ko ang birthday niya, mukhang ka-compatible ko siya dahil siya ay isang Leo, August 10, 1986 ang birthday niya. Compatible ba kami at puwede ko ba siyang maging boyfriend?


Umaasa,

Rio ng San Juan, Apalit, Pampanga

Dear Rio,

Hindi porke tingin nang tingin sa iyo ang lalaki ay may gusto na siya sa iyo. Sa halip, dapat mong ma-realize na para sa isang lalaki, lalo na’t may asawa na pala siya, may dalawang ibig sabihin ng salitang “gusto”.

Una, ‘yung “gusto” na gusto ka lang niyang makasiping o maging kerida dahil bata ka pa at maganda at ‘yung pangalawa naman ay medyo love o may pagtingin talaga siya sa iyo.

Gayunman, sa kaso ng lalaking may asawa na, mas malamang na gusto ka lang niyang “matikman” kaya tingin siya nang tingin sa iyo, kaya kapag pinatulan mo siya, posibleng doon na magsimula ang immoral na relasyon. At dahil may asawa na ang nasabing lalaki, mas makabubuting iwasan mo na siya upang hindi ka makasira ng matinong pamilya. Sa sandaling ginawa mo ito, kahit sabihin pang magka-compatible kayo, masasabing nakagawa ka ng napakalaking kabutihan, hindi lamang sa iyong sarili kundi pati sa pamilya ng pinagnanasahan mong lalaki.

Samantala, kapag tuluyan mo siyang naiwasan, isabay mo na rin ang paghahanap ng boyfriend o pag-entertain sa mga manliligaw na ka-compatible mo kung saan silang isinilang sa zodiac sign na Aries, Leo, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

Sa piling ng ganyang mga klaseng lalaki na binata o walang sabit, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na relasyon na ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari sa 2021, sa buwan ng Abril o Agosto, sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page