top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Extortionist na sekyu, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2024

ILOILO -- Isang extortionist na security guard ang naaresto sa entrapment operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Sablogon, Passi City sa lalawigang ito.

 

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Junfraid Libo-on, nasa hustong gulang at residente ng Dumarao, Capiz.

 

Ayon sa ulat, nagparating ng mensahe si Libo-on sa tatlong lalaki na pawang residente ng Brgy. Sablogon na may umupa raw sa kanya upang patayin ang tatlong biktima at para umano hindi niya ituloy ang pagpatay sa mga ito ay nanghihingi siya ng tig-P170,000.

 

Dahil dito, ini-report ng tatlong biktima sa pulisya ang pagbabanta at pangingikil ni Libo-on kaya agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad na naging dahilan upang maaresto ang suspek na nakumpiskahan ng isang baril, mga bala at isang granada.

 

Nakapiit na si Libo-on na nahaharap sa mga kasong extortion, grave threat at illegal possession of firearms, ammunitions and explosives.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page