Ex-tanod niratrat ng mga NPA
@Balitang Probinsiya | November 27, 2022
NEGROS OCCIDENTAL—Patay ang dating barangay tanod nang pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Puso, Las Castellana.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilala ng pulisya na si Jovan Omboy, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Montilla, Moises Padilla sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Omboy sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga NPA.
May hinala ang mga awtoridad na maaaring pinaghinalaan ng mga NPA si Omboy kaya ito pinatay ng mga komunista.



Comments