Ex-soldier, tinodas ng armado
- BULGAR
- Nov 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 17, 2023
DAVAO DEL NORTE -- Isang dating sundalo ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Brgy. Sawata, San Isidro sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala ay nakilalang si Jay Glenn dela Rama, nasa hustong gulang at dati umanong sundalo ng pamahalaan.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang tindahan si Dela Rama ay biglang pumasok dito ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Dela Rama.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments