Ex-soldier, tiklo sa boga at granada
@Balitang Probinsiya | December 10, 2023
CAPIZ -- Isang dating sundalo ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril, isang granada at mga bala kamakalawa sa Brgy. Acbo, Sigma sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Jaezer Geronimo, nasa hustong gulang, dating sundalo ng Philippine Marines (PM) at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga otoridad na may mga baril ang suspek sa loob ng kanyang tahanan.
Dahil dito, sa bisa ng search warrant ay agad sinalakay ng mga operatiba ang bahay ni Geronimo at dito nakumpiska ang isang kalibre .45 pistola, isang 9MM pistola, isang armalite rifle, isang granada at mga bala.
Nahaharap ngayon ang suspek sa 3 counts ng kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosive.



Comments