Ex-soldier na holdaper, tiklo
@Balitang Probinsiya | Enero 16, 2023
CAVITE—Isang dating sundalo na nangholdap sa pawnshop ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Olaes, General Mariano Alvarez.
Ang suspek ay nakilalang si ex-Army soldier Michael Camotuhan, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, si Camotuhan ang itinuturo ng mga saksi na nanloob sa RD Pawnshop sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nadakip si Camotuhan sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong robbery laban sa suspek.



Comments