top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ex-soldier kinatay ng kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 23, 2023


ILOILO—Isang dating sundalo ang namatay nang pagsasaksakin ng

kanyang kapitbahay kamakalawa sa Brgy. Calaparan, Arevalo sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Jobert Bodiola, 63, dating sundalo ng Philippine Army (PA), samantalang ang suspek ay si Mark Losana, 35, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Bodiola at Losana na humantong kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagtangka pa umanong tumakas si Losana, pero nadakip din agad siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page