Ex-soldier, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | May 16 2021
CAMARINES SUR—Isang dating sundalo ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sabang, Naga City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Arjay Cadag, awol (absent without official leave) na sundalo ng Philippine Army (PA).
Ayon sa ulat, naaresto si Cadag sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments