Ex-soldier arestado sa baril
@Balitang Probinsiya | July 16, 2023
ILOILO -- Isang dating sundalo ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng apat na baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Quinar-upan, Bingawan sa lalawigang ito.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si ex-Philippine Army soldier Regino Ligaray, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Ligaray at dito nakumpiska ang isang baril na kalibre .45 pistola. isang kalibre .38 revolver, dalawang shotgun at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba.
Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa 4-counts ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments