Ex-sekyu, timbog sa boga
- BULGAR

- Jan 3, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 3, 2021
AKLAN—Isang dating security guard ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa Bgy. Rosario, Malinao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Norverto Renado, nakatira sa Bgy. Navitas sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Renado na kahina-hinala ang kilos sa naturang barangay at nang sitahin at kapkapan ay nakumpiskahan ito ng isang baril na may mga bala.
Nang hanapan ng mga pulis ng mga kaukulang dokumento ang dalang baril ni Renado ay wala itong maipakita kaya agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments