top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben

Ex-pulis nagpaputok ng baril, 15 yrs. old sapul

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 14, 2026



Koronadal City Police - Circulated FB

Photo: Koronadal City / FB Circulated



Sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo matapos magpaputok ng baril ang isang retiradong pulis sa Koronadal City, South Cotabato kahapon.


Kinilala ang biktima na si "Brint" habang ang suspek ay si Roel Eleydo Miguel, kapitbahay ng una.


Base sa imbestigasyon, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima kasama ang ama at nagpapakain ng alagang aso nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.


Nagulat na lamang ang ama ng biktima nang magtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang anak. Ang mga sugat ay hindi galing mismo sa bala kundi mula sa talsik ng semento na tinamaan ng mga bala.


Naaresto naman ang retiradong pulis at nasamsam dito ang ilang mga baril at mga bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page