Ex-pulis, arestado sa droga
- BULGAR
- Nov 7, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 7, 2023
QUEZON -- Isang dating pulis ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si former policeman Joseph Jamilano, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Gulang-Gulang sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar matapos na pagbentahan nito ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng umano’y shabu.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 5.2 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments