Ex-police informer, huli sa buy-bust
- BULGAR
- Sep 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 13, 2023
AKLAN -- Isang dating police informer ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Numancia sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Aljub Talantado, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Tugas, Makato sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments