Ex-ofw, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | April 6, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang dating OFW na drug pusher ang naaresto sa buy- bust operation kamakalawa sa Bgy. 14, Victorias City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rolin de Arroz, 52, dating nagtatrabaho bilang OFW at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 70 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments