Ex-NPA member, timbog
@Balitang Probinsiya | July 15, 2023
ANTIQUE -- Isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Jalandoni, Culasi sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Emilberto Obrique, 55, residente ng Bgy. P. Javier, Sebaste sa nasabing lalawigan.
Nabatid na inaresto ng mga tauhan ng pulisya si Obrique sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan niyang kasong multiple frustrated murder at arson.
Ayon sa ulat, si Obrique ay kumalas sa komunistang NPA noong 1990.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Obrique kaya agad na pinuntahan ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.



Comments