Ex-kagawad, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 10, 2020
LA UNION—Isang dating kagawad na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bancagan, Naguillan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Randy Gurion, dating kagawad sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na nagbebenta ng shabu si Gurion kaya nagsagawa ng drug-bust operation dahilan upang maaresto ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng dalawang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Gurion.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments