top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-kagawad dinedo sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 15, 2023



ALBAY—Isang dating kagawad ang namatay nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Panganiran, Pio Duran sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Mariano Balbuena, nasa hustong gulang, at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Balbuena ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Balbuena.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page