Ex-DPWH Sec. Bonoan, nangakong babalik sa 'Pinas sa Feb. 15 — envoy
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 17, 2026

Photo: File / Senate PH
Nangako umano si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manny Bonoan na babalik siya sa bansa mula Amerika sa Pebrero 15, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Ito ay upang harapin ni Bonoan ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng flood control scam.
“He is willing to go back in the Philippines and/or if he needs to testify, according to him he is willing to testify in any form through the internet or Zoom,” ani Romualdez.
Matatandaang humirit ng extension si Bonoan para sa pananatili nito sa Amerika dahil umano sa kalagayan ng asawa.








Comments