Ex-councilor, sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | December 6, 2022
AKLAN—Sugatan ang dating konsehal anang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Joyao-Joyao, Numancia.
Kinilala ang biktima na si Webster Ibabao, dating konsehal ng bayan ng Lezo sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Ibabao ang kanyang motorsiklo ay nasagi nito ang bisikleta, kaya sumemplang sa kalsada ang biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima sa naganap na aksidente.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa siyang inoobserbahan sa pagamutan.



Comments