top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ex-cop, tinodas ng katoma

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 31, 2021



SORSOGON—Isang dating pulis ang binaril at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Sumal-ot, Casiguran.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si ex-policeman Edwin Estavilla, samantalang ang suspek ay si Roberto Hapin, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Estavilla at Hapin na humantong para pagbabarilin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page