top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ex-cop, tinodas ng armado

BULGAR
Dec 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 18, 2022


LAGUNA—Isang dating pulis ang namatay nang barilin ng armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Mayapa, Calamba City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si ex-police officer Leo Agpalo, nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Agpalo nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Agpalo.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page