Ex-cop, tiklo sa extortion
- BULGAR
- Mar 11, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 11, 2024
CAVITE -- Isang dating pulis ang dinakip ng mga otoridad sa entrapment operation kaugnay sa kinasangkutan nitong extortion kamakalawa sa Old LTO Compound, Brgy. Palico IV, Imus City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, kinasuhan ng suspek ang biktimang si Christian Kuison, nasa hustong gulang ng paglabag sa traffic code at para umano iatras niya ang kaso ay hiningan ng dating pulis ang biktima ng P30,000.
Dahil dito, inireklamo ni Kuison sa pulisya ng pangingikil sa kanya, kaya nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong extortion.
Comentarios