Ex-cop patay, misis sugatan sa ambush
- BULGAR

- Sep 18, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 18, 2020
CEBU CITY—Isang retiradong pulis ang namatay at sugatan naman ang misis nito nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Talamban.
Nakilala ang nasawi na si ret. policeman Edmund Junco, dating nakatalaga sa Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), samantalang ang sugatan ay ang misis nitong si Betty, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanilang sasakyan ang mag-asawang Junco ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mag-asawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang retiradong pulis.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.



Comments