Ex-cop, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 3, 2023
CAPIZ—Isang dating pulis ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Carida, Tapaz sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Arnold Gicole, 48, dating pulis na nakatalaga sa Police Region 6 at residente ng nasabing bayan.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments