Ex-convict, tinodas ng tandem
@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Look, Calatrava, sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Benjur Libre, nasa hustong gulang, at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nakaupo si Libre sa nakaparada niyang motorsiklo sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nabatid na si Libre ay dating nakulong sa kasong frustrated murder at apat na araw pa lang ito sa laya nang likidahin ng mga salarin.



Comments