Ex-convict, tinodas ng armado

@Balitang Probinsiya | December 31, 2020
GENERAL SANTOS CITY—Isang ex-convict na kalalaya lang sa kulungan sa kasong drug pushing ang namatay nang barilin ng hindi kialalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Mabuhay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo na si Hernando Artido, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Artido ay biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril sa ulo ang biktima.
Napag-alamang namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments