Ex-convict tinepok ng riding-in-tandem
- BULGAR

- Aug 30, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 30, 2020
GENERAL SANTOS CITY—Isang ex-convict ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Apopong.
Nakilala ang suspek na si Niño Abalos, residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, kalalaya lang ni Abalos mula sa pagkakakulong sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid na nakadalo pa sa hearing ng kanyang kaso si Abalos at pauwi na ito nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments