Ex-convict, timbog sa drug-bust
- BULGAR
- Aug 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 10, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict ang muling naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Granada, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Wilfredo Palmer, sa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 27 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muli na namang nagbenta ng hinihinalang shabu kaya’t muling naaresto.



Comments