Ex-convict, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 3, 2023
CAPIZ—Isang ex-convict ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Punta Tabuc, sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ryan Aninacion, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.
Nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Napag-alaman na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muling nagbenta ng shabu kaya't muling naaresto.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.24 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments