Ex-convict timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Pebrero 25, 2023
AKLAN—Isang ex-convict ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Balabag, Boracay Island, Malay sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Nino Suner, 34, nakatira sa Bgy. Bagbag, Tangalan sa naturang lalawigan, at ito umano ay dati nang nakulong sa kasong pagbebenta ng droga.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Sunor ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng siyam na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya.



Comments