top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict, tiklo uli sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 25, 2023


NEGROS OCCIDENTAL — Isang ex-convict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 40, Bacolod City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Jude Villamor, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muling nagbenta ng shabu kaya't muling naaresto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page