Ex-convict, tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Nov 8, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 8, 2023
CAPIZ -- Isang ex-convict na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy.Punta Tabuc, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jude Roxas, nasa hustong gulang nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay at naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek na dati na ring nakulong sa kasong illegal drugs.
Napag-alaman na nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments