top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 5, San Carlos City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Raymundo Dolino, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na dinakip ang drug pusher.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 34.3 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay bumalik sa pagbebenta ng hinihinalang shabu kaya muling naaresto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page