top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 27, 2023


ILOILO—Isang ex-convict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Hibaoan Sur, Mandurriao sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Joewen Lo, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.


Napag-alaman na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muli na namang nagbenta ng shabu kaya't muling naaresto.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page