top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict tepok sa gunman

BULGAR
Nov 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 4, 2022


RIZAL—Patay ex-convict nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Sta. Ana, Taytay.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Paul Perante, nasa hustong gulang, dating nakulong sa kasong may kinalaman sa droga at nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Perante nang sumulpot ang suspek at agad siyang pinagbabaril.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka ito mabilis na tumakas.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page