top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict, sugatan sa gunman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 08, 2023



AKLAN -- Isang ex-convict ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Calizo, Balete sa lalawigang ito.

Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Robert Dela Cruz, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Dela Cruz ay may kumatok sa pinto at nang buksan ng biktima ay agad itong binaril ng suspek.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek, samantalang ginagamot na sa ospital ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page