top of page
Pokwang.jpg

Ex-convict, niratrat ng mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 4, 2021



LA UNION—Isang ex-convict ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Eugenio, Aringay.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Joy Balaoro, tubong Abra.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Balaoro nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.


Napag-alamang namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen ang biktima.


Nabatid na si Balaoro ay dating nakulong sa mga kasong frustrated murder at illegal possession of firearms, at ito ang iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan sa mga dating kaso nito ang naganap na pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page