Ex-convict nasakote sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | October 11, 2023
CAPIZ -- Isang ex-convict na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Dao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronald Dolorico, 38, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay kaya naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek na dati na rin nakulong sa kasong illegal drugs.
Napag-alaman na nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments