top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-convict na nag-amok, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 19, 2023


BATANGAS -- Isang ex-convict na nag-amok ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Clara, Batangas City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jeffrey Perculeza, 33, at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad si Perculeza ay bigla itong nagwala at naglabas ng baril at naghamon ng away.


Mabilis na humingi ng tulong sa pulisya ang mga residente kaya agad rumesponde ang mga ito at inaresto ang suspek.


Nabatid na dating nakulong sa kasong homicide ang suspek at pansamantalang nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page