top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ex-convict, kulong sa droga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 17, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict na drug pusher na nagbenta uli ng droga ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. 20, Bacolod City sa lalawigang ito.

 

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Romy Maciling, 56, at residente ng Brgy. Taculing sa nabanggit na lungsod. 

 

Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta uli ng umano’y shabu ang suspek kaya nagsagawa agad ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan at naaresto ito.

 

Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng mahigit 30 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek na dati na ring nakulong sa kasong illegal drugs.

 

Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page